Author

I don’t know how to describe myself. All i know, i want to express my feelings though this…

My First Crush

Walang masama kung ikaw ay nagkaroon ng crush, lalo na kung ito’y nagbibigay ng lakas. Nagpapangiti sa iyong mga labi, sa tuwing sya’y nakikita mo sa bawat sandali.

Katulad mo, ako ri’y nagkaroon ng pahanga sa isang babae. Hindi makompleto ang araw, sa tuwing sya’y di nakikitang nakangiti. Ngunit ang paghanga pala sa kanya ay hindi madali, pagkat ito’y nagtagal ng dalawang taon at kalahati. Sya nga pala’y may lihim na ikinukobli. Para maunawaan mo ang aking sinasabi, basahin mong mabuti ang istoryang aking itinitimpi.

Isang buwan akong namahinga, pakagraduate ko ng secondarya. Walang pag-aalinlangang pumasok sa buhay Kollehiyo. Ng ako’y nakapagpainrol na, kasama ang aking ina. Kami’y ipinasyal sa paaralan ng tatlong kolehiyala, sila pala’y working student ng akademya. Isa sa kanila ay aking nakilala. At di kinalaunan ako sa kanya’y humanga. Dahil sa kanyang mga matang tumatawa, buhok na mahaba, labing kay pink, bosis na kay lambing at ngiping lagging tumatawa kita pati ngalangala. Hay! Kahanga-hanga syang talaga! Katawan nyang kay ganda, wow! Sexy kung baga!. Siguradong mapapamangha ka sa kanya. Ng nakilala ko syang lubusan, aking napuna sya pala’y may nunal sa ??????? , may buhok pa !!!!!. Ngutin di lang pala panlabas ang maganda sa kanya pati na ang puso’t kaluluwa.

Nang nagsecond sem. na!, akoy nabigla sa narinig kong balita. Sya pala’y may tinatawag ng “ASAWA”. Ako’y naduwag at biglang umiyak. Umikli ang dila at ang Junoir koy biglang nalanta (“joke lang”). di ko agad na tanggap ang katutuhanang naganap. Kahit ako’y nasasaktan, sya pa rin ay aking hinahangaan. Laging may sulat na natatanggap, at lagi syang nakatingin sa ulap. Wag sanang makalimot na lagi ko syang hinahangaan at pinapangarap. Kahit na ako’y masaktan basta’t lagi syang nakangiti “kita pati ngalangala at pati na utak” ako’y Masaya na ring mangangarap. Ng kami’y nagkita sa canteen ng akademya, kasama ang aking barkada. Ako’y biglang nagulat sa kanyang binitiwang mga salita. Anya nya: “Paalam na mga kaibigan at ako’y titigil na sa pag-aaral dito sa akademya, at doon ipagpapatuloy ang pag-aaral sa Maynila”. Ako’y nabigla at di nakaimik, sa aking narinig. Ako’y tumingin sa kanya! At di nakakapagsalita pa!. Litong-lito ang aking isipan, at wala na ring maisip na paraan, para sya’y pigilan. Ang tanging nagawa ko lamang ay tanggapin ang katutuhanan na sya’y hanging pangarap na lamang.

Nang ako’y nagsecond year college na!. Isang bagong buhay ang aking nasimulan. Isang buhay na hindi kasama ang babaing aking hinahangaan. Totoo nga ang kasabihan. Na mahirap kalimutan ang taong un among hinangaan. Hindi alam ng karamihan na lagi kong tinitingnan ang kanyang larawan. Lagi kong iniisip na sana, sya’y na sa mabuting kalagayan. Sa tuwing ako’y uuwi sa aming bahay, ang una kong pinupuntahan ay ang box na ang laman ay ang kanyang magandang larawan. Tinititigan ang kanyang mukhang kay ganda, pinapangarap na makita’t mahawakan man lang sana. Ngunit lumipas ang araw, lingo, at buwan. Unti-unti ko rin syang nalilimutan. Hanggang natapos ang semester na hindi ko man lang sya na hagkan.

Huling semestre na! at matatapos na ang pag-aaral ko sa akidemya. Ako’y naging masaya sa piling ng aking mga barkada, ngunit may kunting bahid ng kalungkutan ang aking nadarama. Limang buwan na lamang at ako’y gagraduate na!. Ng ako’y na sa silid aralan, bigla akong nila pitan ng aking matalik na kaibigan. At ako’y kanyang sinabihan na ang babaing una kong hinangaan ay nasa loon ng aming silid aklatan. Ako’y natawa at di agad naniwala sa kanya. Pagkat ang crush ko’y doon nga nag-aaral sa Maynila. Ngunit talagang mapilit ang kaibigang kung makulit. At ako’y kanilang sinamahan doon sa aming silid aklatan. Kami’y nagmamadaling bumaba sa may hagdanan papunta sa silid aklatan. At sa di sinasadyang kadahilanan ako’y tinawag ng kalikasan, kaya di inaasahang pumonta sa may palikuran. Isinabog ang lagim na nararamdaman. Kong aking susukatin mga isang litro ang lumabas sa akin. Ako’y napa-“hhhhooooohhh..”, “hhaaaaayyy… at napasabing “sawakas”. Ngunit may biglang pumasok sa aking isipan, ang sinabi ng aking matalik na kaibigan. Kaya dalidali akong lumabas sa may palikuran at pumonta sa salid aklatan. Nang akoy nakarating, agad kong inilibot ang aking paningin. Sa kaliwa, sa kanan at pati na rin sa ilalin ng mga upoan. Nagbabakasakaling Makita sya’t mahagkan. Ngunit, kahit anino nya’y di ko nakita sa silid aklatan. Ako’y nagalit at biglang napaisip, Na ako’y niluluko lamang ng aking mga kaibigan.

Itutuloy…

Advertisements

2 Responses to “Author”

  1. pretty girl ng las pinas Says:

    hello….ganda blog u ahhh..dagdagan mo pah…

  2. chenee Says:

    bw nanu man jang es2ry muh man bitin ba dw natouch q kg hahahahahahhahahah


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: